The Best College Academy of Our Small City

Latest News - QUIS NOSTRUM - Exercitationem ullam corporis suscipit laboriosam

Ex-Kagawad at Mister Ng Political Adviser Ni Pacquiao Pinatay

9/10/10

GENERAL SANTOS CITY - Dead on the spot ang mister ng dating political lawyer ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos itong binaril kagabi ng mga suspek na riding-in-tandem sa Zone 10, Barangay Fatima sa lungsod. Kinilala ang biktima na si Cris Gulle Jr., alyas Toto, asawa ni Atty. Minvelez Gulle na residente ng Zone 2, Barangay Fatima. Ayon kay P/Insp. Ananias Vasquez, deputy chief ng Fatima Police Station, sinundan umano ng hindi nakilalang mga suspek ang biktima habang sakay ng kaniyang pulang motorsiklo. Nagkaroon umano ng habulan sa daan bago nagawang dikitan ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima at saka binaril sa ulo. Napag-alaman na dating kagawad ng barangay ang biktima at tumakbo bilang kapitan ngunit hindi pinalad na manalo. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari para matukoy ang identity ng mga suspek at motibo ng krimen. - See more at: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/106985-ex-kagawad-at-mister-ng-ex-political-adviser-ni-pacquiao-pinatay#sthash.2xQcQNpt.dpuf https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgCLBKTsEOKMyoxVd9H6a_QEauXp7gQlU80MRcWp5ubDUCu85_2sJXSByUtOwQWJmF_6ur5taBaYmFXpq3HCh8Y6AF3DB4LIDE98PzDwHHPY7jN_iBLgVWZrr-zMW9olDtFI3x-iCnKKt4r/s400/02262010646.jpg Reposted from http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/106985-ex-kagawad-at-mister-ng-ex-political-adviser-ni-pacquiao-pinatay